WHÖLLY WěăK
April 9-15, 2006
Palm Sunday
Wala lang. I don’t remember doing something fruitful this day. Malamang it was just a typical vacation day for me. Late ng gising. Kain lunch. Nood TV. Yun lang. Oh yeah I remember watching S-FILES and THE BUZZ. Chismis galore. Ayun, 9 months na palang married sina Kris at James. Hehe. Then at night, I went online – checked my mail, friendster, forums, my blog, others’ blogs and YM. Text galore din pala ako this day dahil malapit ng mag expire ang Globe Unlimitxt ko.
Holy Monday
Haha. Wala rin akong nagawang matino and “holy” this day. The usual routine – gising-kain-ligo-nood TV-tulog. But this time, I did some form of self-restraint – no Internet, no texts, no telephone. Buti na lang at nag expire na ang Unlimitxt ko. Hehe. Pero nakakainis dahil until now hindi pa rin ako makapag-register. Haaay… kaya tuloy puro miscol lang ako sa mga friends. Huhu.
Holy Tuesday
Haaay… another boring day! I watched “The Waiting Room” – a Holy Week presentation of GMA7. In fairness, it was good naman. It’s about having second chances in life. Nakapag-contemplate tuloy ako sa buhay ko. (Yaaak may ganon?!) Hehe. Ayun, other than that, it’s the same old routine pa rin. Ay I forgot pala, I am taking BIOFITEA (green tea chorva) these past 2 weeks, kaya kasama rin sa daily routine ko ang lose bowel movement. Minsan nga middle of the night siya nananawagan eh, minsan naman very early in the morning. Oh well, okay lang, nakakapayat naman eh. Harhar. Medyo maaga ako natulog dahil nga wala naman ako gagawin. Nagpa-miscol muna ko sa mga friends ko para sabihin (impliedly) na “gudnyt”. May isang masugid naman na magrereply ng “güdnyt ngot!”. Thanks Chris, I really appreciate that. Hehe.
Holy Wednesday
Guess what?! Oh yes, another boring day! Haaay… as in wala akong magawa aside from my daily activities. Minsan nga bigla na lang akong nakakatulog eh. It’s only my brother (Vlad), my neice (Mae) and me sa house kaya super wala kaming magawa.
Maundy Thursday
It’s a holiday. Yippee! Aalis kame! We went to our relatives at San Luis. Ayun, nangumusta lang. Kumain. Bumisita sa mga tito, tita, lola at mga pinsan. It was nice to see them kasi seldom lang talaga kami umuuwi dun (pag may occasion lang – fiesta, Christmas, birthday, Halloween at Holy Week). 10am to 6pm kaming wala sa bahay. O diba? Ice breaker sa aking napaka-boring na Holy Week. Hehe.
Good Friday
It’s Shelah’s 21st birthday (my friend back in high school). Wala lang. This day is a bit exciting for me because we’re going swimming! Yippee! Pero dito lang sa tabi-tabi, a nearby resort na itago na lang natin sa pangalang Burak-Ay! Hehe. We thought there would be fewer people because it’s Good Friday. But no, marami pa rin. Kainis. Hindi man lang ako nakapag-swim nang maayos. I wasn’t able to fully utilize the swimming lessons I’ve learned last summer. Oh well, that’s life. Huhu. Ayun, we went home at around 8 pm. Nothing much happened after that.
Black Saturday
I thought it would be another boring day because I don’t have any concrete plan of action. But surprisingly, Tel, Kring and I went to SM. Ipapa-reformat namin yung laptop ni Sha. Na-virus kasi namin ni Jade. Hehe. Ayun, around 10:30 am ako sinundo tapos around 11 am nasa SM na kami. At kamusta naman ang parking? Siguro 30 minutes kaming nag-roadtrip sa parking lot. Haha. Tapos, we went to Compex para nga ipagawa yung laptop. Luckily, kapit-bahay pala nina Tel yung isang technician/computer chorva dun, and he was willing to do the job for FREE. Pero syempre bibigyan pa rin namin siya kahit magkano lang. Eh 3 pm pa daw makukuha, so we ate lunch muna at Greenwich and Tel bought a blouse sa Department Store. After that, mga past 1 pm, we went to St. Jude – straight to Kuya Rex’s house, may gagawin kasing video presentation si Tel. So yun, until around 6 pm kami dun. Imagine that?! Hehe. Todo bonding nga kami ni Kuya Rex eh. Ang sarap mag-reminisce ng mga memories. Haha. Super sweet nga kame eh. Hahaha. Baka nga daw kami ang magkatuluyan in the end. Hahaha. He even created a new blog for me sa blogspot (http://ngotty.blogspot.com). Hehe. Wala lang. Nakakatuwa lang. Para kaming sira ulo. Kasi parang last week lang eh gusto niya kong patayin. Haha. Tapos ngayon super chummy kame?! Kamusta naman yun? Hahaha. Ginawan niya pa kame ng ice-cold coffee na mala-Starbucks ang lasa. Hehe. How sweet noh? Ayun, nang matapos na nina Tel and Kring ang ginagawa nila, umalis na kami, it’s getting late na rin eh. Oh well, magkikita kami ulit ni Kuya Rex bukas, may kainan kasi kina Mike eh. Haha. Hmmm… We’re getting too close na ha. Harhar.
_____________________
Ayun, nga pala, the purpose of this post is to assess my Holy Week. For me, I didn’t spend it in a special way. Parang wala lang. The title says it all. It’s been Wholly Weak. Haaaay.. sorry Lord. Hehe.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home