Wednesday, December 07, 2005

TIGANG?!

Haay naku… bakit ganyan ang buhay ko? Lagi na lang sawi… un bang tingin mo ay ok na ang lahat, then it turns out na everything is just a big big lie! Dun pa sa puntong akala mo ay yun na, un bang nsa climax ka na, tapos, bigla ka na lang babagsak.. dahan- dahan, sumasakit lalo habang tumatagal, hanggang sa wala ka nang maramdaman, manhid ka na.. Ewan ko ba, bitter na yata ako! Nawawalan na ko ng pag-asa.. Lalo na ngayon, valentine’s na! So?! As if naman may lakad ako diba? Matutulog na lang ako.. baka mapanaginipan ko pa si Lester.. konting panahon na lang ang natitira sa kin.. Kailangan ko nang mag-“da moves”, or else, tigang na tlga ko forever! Peste naman oh.. Si Lester na lang ang natitira sa kin, iniwan na nila kong lahat! Si Lester ang nakakapagpasaya sa akin every MTTHF.. blockmate ko kc cya, as in classmate sa lahat ng subjects! Astig noh? Kaya nga may inspirasyon akong pumasok araw-araw.. yun bang hindi na ko nakakapag-concentrate sa lesson dahil nakatitig na lang ako sa kanya.. ang bawat galaw niya, ang bawat sabihin niya, lahat un hindi ko pinapalampas! Favorite subject ko nga ngayon ang marketing, kc nakaupo ako sa likod niya.. so close talaga!! Halos nasa kanya na lahat ng hinahanap ng isang magandang babaeng tulad ko.. Matalino, mayaman, mabait, responsable, seryoso sa buhay at oh-so super gwapo to the highest level, macho pa!! Nga pla, full-blooded Chinese cya.. kaso, nasobrahan yata cya sa pagkaseryoso, yun bang wala na cyang time para mag-enjoy.. Napansin ko kc, wla cyang permanent friends sa college namen.. pero may mga kakilala naman cya.. in fact,may org nga cya dun eh.. kaso talagang aloof cya ng konti sa mga tao.. un bang before and after classes namen eh naka-iPod lang cya.. wla cyang kasabay maglakad pag-uwian na, may wheels kc eh.. maybe that’s why he never had a girlfriend! hindi ko lang alam kung bakit, pero malakas ang kutob ko na may soft side naman cya.. tumatawa naman cya kapag may nagjojoke, ang cute cute nga niya eh.. may mga anggulo nga palang kamukha niya si Carlo (Lovers in Paris).. sabi ni Lester dun sa isang kakilala ko, “It’s better to be feared than to be loved”. Duh? Ang corny naman niya! Isang napakalaking challenge ni Lester para sa kin.. para cyang problem set na hindi mo alam kung anong formula ang gagamitin.. para cyang case na mahirap simulan dahil hindi mo alam kung ano ang case problem.. para cyang exam na mahirap i-perfect kase wala kang lecture notes.. haaaay.. pero kahit ganyan ka-complicated si Lester, mahal ko yan.. I cherish every moment we spend together.. naks! Parang kami na noh?! Hehe.. Feeling ko talaga, may crush dn cya skn, hindi lang cya aware! Na-touch talaga ko nung 1st tym niya kong itxt.. take note: correct spelling pa ang name ko.. in fairness! Sabi niya “HI, IS THIS BIANCA?” oh davah? Kakakilig to the fishbones! Tapos, eto pa ang isa, “HI NGOTTY.. WE DON’T HAVE CLASS SA 104, BUT WE MEET AT 2PM TO FINALIZE EVERYTHING”. Grupm8 ko kc cya.. pero,halleeeeer? Hindi naman niya ko tntxt dati pag wla kmi clas, tska bkt cya pa mag-iinform skn?! Last sem pa nangyari ang mga to.. pero mas nakakakilig ang happenings this sem! As in! Pag nagkakasalubong kami sa corridor, nagpapansinan kami, eye contact lang with pacute na smile and hand gesture, walang verbal communication, it’s our hearts that speak.. sa marketing class, nakatitig lang ako sa kanya, lalo na sa cute niyang pulu-pulo.. iba kc ang sa kanya, basta hindi ko ma-explain.. ang gwapo-gwapo niya lalo na pag naka-black cya.. nagmumukha kc cyang macho lalo, tska ang puti-puti niya.. tapos nung minsan, tinawag niya ko, “NGOTTY, NGOTTY PAABOT NUNG BOLPEN”. Grabe, masaya nako nun.. the mere fact na tinawag niya ang name ko twice.. ginagawa ko na ang lahat ng kahihiyan sa marketing namen tuwing may group activities kami para lang makuha ko ang atensyon niya.. as in kung anu-ano na ang pinag-gagagawa ko para lang mapansin niya ko.. hindi ko nga lang alam kung effective. Haaaay ang pathetic ko noh? Pero ok na ang ganun sakin.. kilala ko kc sarili ko, baka pag nagustuhan niya ko, eh ako naman ang umayaw sa kanya.. basta, magulo ako! Madaling magkacrush, madali ring ma-fall out of crush.. hehe.. konting tiis nlang, lilipas dn ang valentine’s day.. hindi ko na iisipin na nag-iisa ako.. I have my friends naman eh (wink wink).. sheeeet, kaya nga ayoko kong manood ng mga mushy na movies eh.. mas gusto ko na ung action-packed o kaya horror, kc kung lovestory un, eh mafrufrustrate lang ako noh.. sabi nga nung isa friend ko na kabebreak lang nila ng bf niya, tuwing may nakikita cyang mga couples, sasabihin niya, “HMMMP, MAGHIHIWALAY DIN YAN!” haha bitter! Haaaay, pagod na ko sa kakahintay, pero sympre, wla naman ako magagawa jan.. I guess I just have to focus my attention on some other things, more important ones.. Ayyy, oo nga.. Magfu-full acad mode nalang ako.. Nga pla, gagradweyt nako next year…. Oohhh myyy golaaaaaaay!!!

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home