TANGA
Naranasan mo na bang mag-mukhang tanga?
Yung tipong, akala mo ay okay ang lahat, pero hindi pala.
Akala mo tama ang ginagawa mo, pero mali pala.
Akala mo totoo siya, pero peke pala.
Akala mo alam mo ang lahat, pero wala ka palang kamalay-malay.
Akala mo kontrolado mo ang mga nangyayari, pero ikaw pala ang kinokontrol.
Akala mo kakampi siya, pero kalaban pala.
O kaya nama’y ginawa mo na bang tanga ang isang tao?
Yung tipong, may alam ka, pero hindi ka nagsasalita.
Akala niya kilala ka niya, pero hindi pala.
Akala niya tapat ka sa kanya, pero traydor ka pala.
Akala niya wala kang alam, pero alam mo ang lahat.
Akala niya kaibigan ka, pero kaaway pala.
Haaaay.. wala lang.. I’ve experienced both eh.. hehe.. Masakit mag-mukhang tanga. At mahirap namang gawing tanga ang isang tao lalo na kung wala kang masamang intensyon.
___________
uy, wala akong pinapatamaan dito ha.. pero syempre, hindi ‘to out of the blue.. it’s definitely something.. hehe.. sa mga paranoid diyan, wag kayong mag-isip ng kung anu-ano ha.. hehe.. wala lang akong magawa..
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home